Guest Guest
| Subject: English as a Basis of Intelligence Sat Jun 27, 2009 10:45 pm | |
| "Hey! what's your name? where do you live? How's it goin'?"
ha?
ako?
ako ba kausap mo?
English.
English.
English.
ang pagsasalita ba ng ingles ay isang sukatan ng pagiging matalino?
ang kaalaman ba sa ingles ay isang sukatan ng talino?
alamin natin.
"Hey! what's your name? where do you live? How's it goin'?"
noong bata ako, makapagsalita lang ako ng isang salitang ingles ay pakiramdam ko ang tali-talino ko na. pakiramdam ko ang dami ko ng alam. yes. no. yun lang ang alam ko. noong bata ako, kapag nakakarinig ako ng salitang ingles, pilit kong itinatago sa sarili ko na hindi ko alam ang ibig sabihin ng narinig ko. kiunyari na lang ay hindi ko narinig ang sinambit ng mamang nagtatanong ng direksyon.
natatandaan ko. grade four ako. grade four ako noong ipinasok ko sa kokote ko na ang ingles ay salita lamang at hindi ito magsasabi kung anong klaseng tao tayo. hindi nito sasabihin sa publiko na mangmang tayo. na namumuhay parin tayo sa ilalim ng pamumuno ng katangahan. kamangmangan.
grade four ako ng ipinasok ko sa kokote ko na hindi ingles ang magsasabi sa akin. sa iyo. sa kanya. sa kanila. kung anong alam ko. kung anong kaya kong gawin. kung anong hindi ko alam. at kung anong hindi ko kayang gawin. hayskul ako, takot parin akong magsalita ng ingles. natatakot akong pagtawanan ng katabi ko sa klasrum. baka pagtawanan ako ng nasa likuran ko na panay ang hagikgik kapag tinanong ako ng guro sa salitang banyaga at ang tanging naisasagot ko ay yes at no. natatakot akong pagtawanan ng nasa harap ko na kung umasta ay akala mo sya ang awtor ng diksyonaryo.
noon, akala ko iilan lamang ang pinapanganak na magagaling at marurunong magsalita ng ingles. akala ko pag ipinanganak ka, kasabay mo ang galing at husay sa pagsasalita ng ingles. sabi ko sa sarili ko, bakit ako ipinanganak na hindi marunong magsalita ng ingles. pero naisip ko ngayon. napag-aaralan naman pala ang salitang ingles.
napansin ko.
mas mahuhusay mag-ingles ang mga taong nag-aaral at nakapag-aral sa magagandang unibersidad. mahal na unibersidad. mahal na paaralan. eksklusibong paaralan. maswerte ang mga batang iyon dahil ninais ng kanilang magulang na maging mahusay sila sa ingles. ninais ng mga magulang nila na maging maganda ang kalidad ng ingles nila. maging astig ang kalibre nila sa pagsasalita ng ingles. maswerte sila dahil hindi pa sila ipinapanganak ay bayad na ang matrikula nila hanggang kolehiyo. pero hindi ko naman kasalanan na hindi kayang bayaran ng mga magulang ko ang matrikula sa ganung paaralan. hindi ko naman kasalanan na hindi ako nakapag-aral ng ingles bente-kwatro oras sa loob ng paaralan. hindi ko naman kasalanan na hindi ko ginustong pag-aralan ang salitang banyaga.
"Hey! what's your name? where do you live? How's it goin'?"
noong bata ka. naaalala mo pa ba ang sagot mo sa guro mo kapag tinatanong ka kung ano ang gusto mong maging paglaki? naaalala mo pa ba na ang sagot mo ay gusto mong maging guro. engineer. doktor. nars. piloto. pulis. sundalo. drayber. welder. janitor. vendor. pusher. naaalala mo pa ba ang mga iyon? naaalala mo pa ba noong iginuhit mo ang larawan ng taong gusto mong maging? naaalala mo pa ba noong ipinagmamalaki mo ang tatay mo dahil siya ang manager ng pagawaan ng droga?
hindi na.
dahil nariyan na ang kol-senter.
praktikal lang kaibigan.
pera-pera lang iyan.
pera.
tsk. tsk. tsk.
sukatan narin ba ng talino ang pera?
"Hey! what's your name? where do you live? How's it goin'?"
ngaung nasa hayskul ako, hindi parin ako gumagamit ng salitang ingles. bakit? ayoko. kung ang ingles ay isang batayan ng pagiging matalino. batayan ng katalinuhan. isa na ako sa mga grupo ng mangmang na pilipino na nanlilimos sa kalye. kumakatok sa bintana ng sasakyan mong napakaganda. napakalinis. napakakintab. isa na ako sa mga nilalayuan mo kapag may nangangalabit sa iyo sa harap ng isang mall para manghingi ng barya. isa na ako sa mga kumakatok sa gate nyo gamit ang piso na napulot ko pa sa paglalakad sa kalye sa pag-asang makakapulot din ako ng kayamanan. kayamanan. oo kayamanan. pag-asang makakapulot ako ng karunungan sa ingles. upang mapasama narin ako sa grupo ninyo. para makatambay narin ako sa istarbaks at makipagdaldalan gamit ang salitang banyaga. makipaghagikgikan sa inyo sa salitang ingles...teka, iba rin ba ang tawa ng taong magaling sa ingles?
"Hey! what's your name? where do you live? How's it goin'?"
kung ingles ang batayan ng talino. ang pilipinas ay binubuo ng taong mangmang.
bumabagyo na, ingles ka pa ng ingles. lumilindol na, ingles ka parin. nasusunugan ka na, sige ka parin sa ingles. para kang pulitiko na panay parin ang ngiti at kaway sa tao kahit wala namang kabuluhan ang pagkatao niya. papatayin ka na ingles parin ang gamit mo. "NO! NO! NO!" paano kung hindi alam ng killer ang ibig sabihin ng NO? edi patay ka na?
kapag wala ka ng pera, ewan ko kung makapag-ingles kapa...
kung ingles ay batayan ng talino, ang kapital ng pilipinas ay tanga.
bakit si Hayden, magaling mag-ingles pero katangahan yung ginawa niya.
"Hey! what's your name? where do you live? How's it goin'?"
- "YES?!"Revised from : http://lourdkarl.multiply.com/journal |
|
Guest Guest
| |
Guest Guest
| Subject: Re: English as a Basis of Intelligence Wed Jul 01, 2009 10:38 pm | |
| candyQ basahin mo .. ang ganda pwmz . hahaha ! |
|
Guest Guest
| Subject: Re: English as a Basis of Intelligence Wed Jul 01, 2009 10:39 pm | |
| uwo.. babasahin q dn yan.. hihi,, |
|
Guest Guest
| Subject: Re: English as a Basis of Intelligence Sat Jul 04, 2009 11:08 am | |
| haha ! ang ganda ng contetnt nga nung nkita q ih . wahaha .. lewl |
|
Sponsored content
| Subject: Re: English as a Basis of Intelligence | |
| |
|