Guest Guest
| Subject: Hindi mo kailangan ng mata para makakita. Sat Jun 27, 2009 11:27 pm | |
| "Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili." - bob ong ang magulang ay parang si God.
God? magulang?
weh?
amg magulang ay sugo ni God.
tama.
gigising ako sa umaga. nakahanda ang pagkaen. sinong nagluto? wala naman akong kasama dito. mumu? hindi rin. si kaibigang jordan? asa. busy yun eh. si kaibigang jet? nasa gerlpren niya. ok lang. ayos 'to. tuyo! peborit! ayos talaga 'to. eh teka. sinong nagluto? thank You Lord!
sarap.
may natanggap akong balita. tuwang-tuwa ako. magandang balita. pumalakpak tenga ko. pati buhay ko pumalakpak. tawa ako ng tawa. sa tuwa. sa ligayang dulot ng balita. pero teka... sino yung nakiki-palakpak doon?
ubos na ang pagkaen. gutom na naman ako. walang makaen. day-off ata nung nagluto kahapon. nasan na siya? kumakalam na sikmura ko. nagrereklamo na. nagwewelga na. ginagawa ng mendiola ang sikmura ko. binabato ng ng granada. ang problema, walang mga pulis. napapahawak ako sa tiyan ko. sumasakit sa gutom
ha?
sino 'tong nakaakbay sakin at inaalok ako ng pagkaen niya?
magulo.
magulo isip ko paglabas ko ng pinto. kadalasan naman ganito eh. naglalakad ako ng nakayuko. tila nananalangin na makakita ako ng pera. perang nahulog ng mayaman kong kapit-bahay. pabor narin ang pagyuko. naiiwasan ko ang mga basurang nireject ng tiyan ng aso ng kapit-bahay kong mayaman. ok narin. hindi ko namamalayan malapit na akong tumawid sa kalsadang laging may nakabalandrang karatula "caution: men working."
!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
%!@#$*-INA kang sasakyan ka!
anak ng! muntik na ako dun ah! buti nalang may humila sa akin. teka... nasan na'yun?
exam. exam. exam.
nakakatamad mag-aral. diba? (sumagot ka!) mas masarap humiga na lang maghapon. manood ng telebisyon. manood ng doraemon. (yung mukhang baboy na mukhang pusang oso na kulay blue na daig pa si Balagtas kung magtagalog. na mahilig magpakipot pero lumalambot ang puso pag nakakakita ng hopiang-munggo. tunay na kaibigan. teka! putek! bakit mo pinatay ang tibi? ha? may exam ako? mag-aral ako? ha? babagsak ako pag hindi ako nag-aral? teka, sino ka ba?
iniwan ako ng syota ko. shet! ampanget ko daw!
tanga siya. hindi siya kawalan. akala mo naman kung sinong maganda. bakit, maganda ba ipinalit mo saken? eh mas kyut pa paa ko sakanya eh.
takte.
bakit ganito. lugmok na naman ako. wala na naman akong nagawa. down na naman ako. hay... buhay... lagi na lang. mahirap mabuhay sa mundong walang alam gawin kundi umikot ng umikot. walang pakealam sa tao. walang pakealam sa nararamdaman ng tao. malungkot man o masaya, iikot parin. nadapa na naman ako. nasugatan na naman ako. ansakit. hindi ko na naman alam kung makakabangon pa ako. ang korni na naman. oo alam ko korni. antayin mo matatapos na. takte naman. lagi na lang bang ganto? shet ayoko na.
ako? bumangon? tumayo? bakit? bakit mo ako binabangon? teka nga. teka nga.
teka nga. bakit parati na lang siyang nariyan? sino ba siya? siya ba ang sugo? sundo? kukunin nyo na ba ako? now na? as in?
hindi ka sugo? hindi ka sundo? eh ano? ano ka? sino ka?
sino siya?
naisip mo na ba kung sino siya?
si God?
talaga? sure ka?
hindi mo ba naisip na pwedeng siya ang... nanay mo o tatay mo?
-sugo ni GOD. Source: http://lourdkarl.multiply.com/journal |
|
Guest Guest
| Subject: Re: Hindi mo kailangan ng mata para makakita. Sun Jun 28, 2009 8:43 pm | |
| hanu daw?? |
|
Guest Guest
| Subject: Re: Hindi mo kailangan ng mata para makakita. Wed Jul 01, 2009 10:46 pm | |
| |
|
Guest Guest
| Subject: Re: Hindi mo kailangan ng mata para makakita. Wed Jul 01, 2009 10:57 pm | |
| |
|
Guest Guest
| Subject: Re: Hindi mo kailangan ng mata para makakita. Thu Jul 02, 2009 6:25 pm | |
| |
|
Guest Guest
| Subject: Re: Hindi mo kailangan ng mata para makakita. Fri Jul 03, 2009 7:41 pm | |
| nyahaha . as i always say .. READ BETWEEN THE LiNES .. wahaha ! piz .. *wink* |
|
Sponsored content
| Subject: Re: Hindi mo kailangan ng mata para makakita. | |
| |
|