2nd Paradise
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.



 
PortalHomeMusic LoungeLatest imagesSearchRegisterLog in
Top posters
LhaDyPrinsZeza
Wanted: TiTSER I_vote_lcapWanted: TiTSER I_voting_barWanted: TiTSER I_vote_rcap 
Who is online?
In total there are 23 users online :: 0 Registered, 0 Hidden and 23 Guests

None

Most users ever online was 39 on Mon Nov 11, 2024 2:47 pm
Latest topics
» DUGTUNGAN STORY
Wanted: TiTSER I_icon_minitimeWed Jul 22, 2009 11:16 pm by LhaDyPrinsZeza

» who's the ADMIN here?
Wanted: TiTSER I_icon_minitimeWed Jul 22, 2009 10:50 pm by Guest

» TWiNS !
Wanted: TiTSER I_icon_minitimeSun Jul 19, 2009 3:47 am by Guest

» hahaha ! tanga .
Wanted: TiTSER I_icon_minitimeSun Jul 05, 2009 7:15 pm by Guest

» do you agrre?
Wanted: TiTSER I_icon_minitimeSun Jul 05, 2009 7:14 pm by Guest

» hahaha..
Wanted: TiTSER I_icon_minitimeSun Jul 05, 2009 7:13 pm by Guest

» suggest lng cuh ..
Wanted: TiTSER I_icon_minitimeSun Jul 05, 2009 7:12 pm by Guest

» wiiw
Wanted: TiTSER I_icon_minitimeSun Jul 05, 2009 7:11 pm by Guest

» substitute ! wengya . haha
Wanted: TiTSER I_icon_minitimeSat Jul 04, 2009 10:54 pm by Guest


 

 Wanted: TiTSER

Go down 
AuthorMessage
Guest
Guest




Wanted: TiTSER Empty
PostSubject: Wanted: TiTSER   Wanted: TiTSER I_icon_minitimeSat Jul 04, 2009 11:49 am

"...madaming teacher sa labas ng eskwelahan. desisyon mo kung kanino ka magpapaturo." -Bob Ong

- maraming tarantado at balasubas sa paligid. maraming mababait, nagbabait-baitan at simpleng mandurugas na tao sa likod at harap mo. marami din namang pangit na tao pero maganda ang intensyon. desisyon mo kung kanino ka lalapit. kanino ka hihingi ng tulong.

- tuturuan ka ng mga tarantadong walang magawa sa buhay kung paano ang tamang pagsinghot ng droga. tuturuan ka nilang kalimutan ang mga problema mo sa tulong ng alak. tuturuan ka nilang humanap ng taong mapagtutuunan mo ng galit. ang tanong, matututo ka ba?

- tuturuan ka ng mga balasubas kung paano kumuha ng gamit ng may gamit. para daw hindi ka mukang kawawa na tanging damit na suot mo lang ang pag-aari mo. ipakikilala ka nila sa salitang P***** I**! para pag may kaaway ka, pwede mo silang barilin ng salitang iyon. ipapakilala ka nila kay kamatayan. hanggang sa dumating ka sa puntong ayaw mo na siyang lumayo sa tabi mo. ang tanong, kikilalanin mo ba siya?

- nagbabait-baitan. ano ang nasa isip ng mga taong ganito? ginagawa ba nila ito pang makalikom ng perang gagamitin sa burol nila? ginagawa ba nla ito upang makahikayat ng mga kaibigang tutulog sa kanila sa oras ng kagipitan at pagkatapos ay mang-iiwan na lang bigla dahil tapos na ang obligasyon mo. itatapon ka na lang nilang bigla na parang na-expired na pagkaen? magpapaturo ka ba sa mga taong ganito? makikipag-kaibigan ka ba sa kanila?

- mga gurong simpleng mandurugas. pipilitin ka nilang matuto upang ikaw mismo ay magamit nila.tuturuan kang kumaen ng bubog. masakit sa lalamunan. nakakasugat. nakakahiya. nakakahiya dahil iisipin ng ibang tao ay wala ka nang makaen at pati ang basag na boteng ginamit kagabi sa rambol ay kakainin mo. tama ba iyon? mali. pero pilit ipauunawa ng taong mga ito na tama ang ginagawa mo. kapag hawak ka na nila sa leeg, kawawa ka. perya ang hantungan mo. kawawa ka. pero kikita sila. maliligayahan sila. masasaktan ka. pero ikatutuwa nila. iiyak ka. pero sasabayan nila ng tawa. kikita ka. aani ka ng papuri. kakaawaan ka. pero sa huli... talo ka. isa ka ba sa estudyante nila o isa ka sa kanila?

- ano nga ba ang batayan sa pagpili ng guro? napipili ba ang guro? sa palagay ko hindi. may mga gurong tarantado. balasubas. nagbabait-baitan. gurang. pangit. maganda. bata. seksi (wheet wheew!). matangkad. pandak. kuba. kuba na sa sobrang pagmamahal sa estudyante na pati ang upuan mo handang buhati para sa iyo. masungit. strikta. at kung ano-ano pang ugaling meron sila. ang lahat ng iyan ay katangian ng isang tao. normal na tao. nasa sa iyo nga lang kung anong klaseng katangian ang hinahanap mo.

- magpaturo ka. magpaturo ka ng mga bagay na hindi mo pa alam at hidi ngmga bagay na alam mo na.

- tarantado. balasubas. wala kang pinagkaiba sa kanila kung lalaitin mo lang ang gurong handang gawin ang lahat para matuto ka. ang mga taong nasa paligid mong handang ibigay ang silya nila sa harapan. handang pakopyahin ka sa mga exams. wala kang pinagkaiba kung dededmahin mo lang ang mga taong nagaaksaya ng oras para antayin ka sa harap ng eskwelahan kahit alam nilang pababa ka palang ng bundok.

- ano nga ba ang pagkakaiba ng mga guro sa loob ng eskwelahan at ang mga guro sa labas ng eskwelahan? ang guro sa loob ay pilit ipinauunawa sa mga estudyante na dapat sumunod sa batas kahit na sila mismo ay hindi magawang sumunod. nahihirapan silang ipaintindi sa atin ang mga walang kakwenta-kwentang batas dahil sila mismo ay hindi naiintindihan ang batas. ang mga guro sa labas ay may batas ding sinusunod. ang batas ng pagkakaibigan at batas ng pagtitiwala.

- desisyon mo kung kanino ka magpapaturo.

- peace.


Source: http://lourdkarl.multiply.com/journal
Back to top Go down
 
Wanted: TiTSER
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
2nd Paradise :: 2nd.Paradise Studio :: Poetry-
Jump to: